Huwebes, Mayo 23, 2013

Ang Sabi Niya



Paano mo haharapin ang katagang hindi mo inaasahan
Mga salitang manunuot sa iyong kalooban
Ganu nga ba katatag ang tibay ng iyong dibdb
Kapag ang mga salitang ito'y iyo nang narinig.

Hindi nga ba't minsan na niyang nasambit
Na huwag ka nang umasa pagkat hindi na siya magbabalik
Nanlumo ka at natikman ang matinding pait
Tila punyal na sinaksak ka niya ng buong lupit.

Ang dila niya ay tila isang hinasang patalim
Animo'y himihiwa at sumusugat ng malalim
Na walang pakundangan sa iyong magiging damdamin.
Naisip ba niyang ikaw ay tao din?

Ngunit may sasakit pa ba kung sasabihin niya sa 'yo
"Na hindi na kita mahal at gusto ko nang lumayo"
Makuha mo pa kayang ngumiti sa gitna ng pagkabigo
O itatagu na lang an sakit at magbabalatkayo.

Huwag mong kakalimutan itong mga sinabii niya
Dyan ka humugot ng lakas mo at pag-asa
Nasaktan ka man sa binitiwan niya mga kataga
Manahimik na lang at ikaw ay magpaubaya...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento