Biyernes, Mayo 31, 2013

"Sa Dakong Takipsilim"

Minamasdan ang langit at ulap
Nag-aagaw na ang dilim at liwanag
Sa mata'y may luhang malalaglag
Kaya nga ayaw man lang kumurap.

Ang mga pangarap ay huminto na doon
Ng malapit ng magdapit-hapon
Tanggapin na lang ng buong hinahon
Malapit nang matapos ang misyon.

Sa pagtatapos ng iyong paglalakbay
Malapit mang marating ang "finish line"
Huwag mong kalimutang isalaysay
Ang kwento ng masining mong buhay.

Sa dako ng iyong takipsilim
Huwag hayaang ang puso'y manimdim
Isipin mong sa dulo ng dilim
Ang liwanag ay naghihintay pa rin.

Kung tuluyan mang lumubog na ang araw
At ang gabi ay sadya na ngang nangibabaw
Sa nanlalabong matang di na makatanaw
Ang katahimikan nito'y siya mong kaulayaw.

Ito na lamang ang iyong pakaisipin
Gaano man kalayo ang iyong narating
Iisa lang ang magiging hantungan natin
Lahat tayo ay may kanya-kanyang takipsilim

Like · 

Biyernes, Mayo 24, 2013

"Kapitan Sabong"


Mamang nakasalakot
Matangkad at payat na panot
laging may hawak na manok
alaga sa pagbuga ng usok.

Tuwing araaw ng linggo
Alalay niya ang kristo
Sa pustang sampung libo
Di magkamayawa sa gulo.

Kapag sinimulan na ang sabong
Magsisimula ng dumagundong
Sumisigaw ang mga lulong
Sa bisyong ito nakakulong.

Ilang minuto lang ang laban
Mayron ng panalo't talunan
Isang linggong pinaghirapan
Sahod ay naubos sa pustahan.

Sa isip niya ay "di bale'
Sa susunod na derby
Tataya na siya ng malaki
Sa pagkatalo ay makabawi.


"Ang Tsinelas ni Nene"


Kahit kababaeng tao
ang paa ay may kalyo
Ngunit taas-noo
na tambay sa kanto.

Sa manipis niyang tsinelas
talamapakang puro gasgas.
Tumatakbong walang habas
Kahit pa nga mapigtas.

Sa halagang beinte
Hirap siyang makabili
Pinagtitiyagan parati
Tsinelas na pipi.

Sa baha man o init
Sa tsinelas niyang punit
Di alintana ang pait
Ang buhay niyang kaylupit!

Di man magkapareha
Ang mga sapin sa paa
Doon sa kalsada
Nag-iisang reyna..


"Mga Buwaya sa Lungsod"


Ang mga buwaya sa ilog
ay lumipat nasa mga lungsod
magpapalaki ng "botod"
dito ay magpapakabusog.

Iba't iba ang kanilang anyo
Sa unipormeng nagbabalatkayo
Sa mukha ng mga pulitiko
Doon ay nagtatago.

Sa kanilang mga pangil
kung kumagat ay malalim
Tiyak na may gigil
sa yaman natin.

Sa kanila ay walang bawal
Basta sa salapi ay magkamal
Silang mga naging hangal
Sa kasakiman ay nunukal.

Di importante sa kanila ang kapwa
Kundi ang laman ng bulsa
Kung tumulong man ay barya
Sa sandaang pisong ambaga niya.

Hindi talaga uusad
hangga't sa lungsod ay nagkalat
Mga buwayang walang habag
pera ng bayan ay nilaspag!




"Ang Banggera ni Impo"


Pinagtagpi-tagping kawayan
Maninipis na pamakuan
Nagsilbing pamingganan
Malayo sa palikuran.

Kahit na makaluma
Yaong babaeng matanda
Tangan ang kanyang losa
Malapit sa banggera.

Tinidor-kutsara sa sulok
Sa kahoy na hugis tatsulok
Mga baso'y nakataob
Kahit na ito'y magapok.

Sa gilid may tapayan
Ng tubig na sisidlan
Nagsisilbing inuminan
Ng mga uhaw na lalamunan.

Pagdating sa umaga
Magtitimpla ng tsaa
Hawak-hawak ang tasa
Na parang kondesa.

"Sa Gitna ng Katahimikan"


Pumunta ka sa isang tahimk na lugar,
At tandaan nasa gitna ng masalimuot na buhay
Ay mayron ding kapyapaan.
Sa kailaliman ng iyong puso,
Pakinggan mo lahat ng damdamin
Pagkat sila man ay may isasalaysay din.
Huwag mo ikumapra ang sarili sa iba
Sapagkat may kapus-palad at pinagpala kaysa sa 'yo,
Makakaramdam ka lang ng pait at pagkabigo
Iwasan ang mga taong mapanlibak,
Sapagkat sisirain nito ang matibay mong kalasag
Maging mababa an loob sa pagtanggap ng kahinaan
Huwag mo ipag-alala sapakat hindi ito kabawasan
Sa pagkatao mong itinindig mo may dangal.
Huwag mo isiping kaw lang ang nagdurusa sa mundo,
Hindi lang ikaw ang may wasak na puso,.
Maraming mga tao na sa kabila ng pagkabigo
Ay patuloy na lumalaban at nananatiling nakatayo.
Huwag husgahan yaong mga sumubok at nabigo,
Kundi yaong mga nabigong sumubok.
Tandaan na ang buhay ay puno ng pakikibaka.
Hindi dapat mangamba sa kapalarang sa ati’y itinadhana.
Kung nabigo ka man o ngtagumpay,iisa pa rin ang mahalaga
Hindi mo inatrasan ang hamon sa iyo’y itinakda…
Maraming kapaguran ng puso at isip ay dulot ng takot
Magka minsan ay buhay ay nagiging masalimuot
Kaligyahan at kapayapaan sa puso mo’y hinahakot
Sigla mo ay ninanakaw at balot ka ng lungkot.
‘Wag kang matakot na lumakad mag isa,
Tibayan ang dibdb mayroon kang kasama
Sasamhan ka Niya sa iyong paglalakbay
Hanggang sa huling takipsilim ng iyong buhay.
Humayo ka at hanapin ang sarili,
Tandaan,na sa kabila ng lahat ng iyong pighati
Darating din ang umagang sisilay din ang ngiti
Sa Diyos makakatagpo ng tunay pagkakandili.
Hayaan na sa iyo'y manatili,
Ang lalim ng kapayapaan sa puso't sarili....

By: Aize



Huwag kang Mangamba hindi ka nag-iisa,sasamhan kita. saan man magpunta, ikaw ay mahalga,minamhal kita......

"Humayo Na"


Namatay na lahat ng pag-asang inaasam-asam
Nalinaw na din pati na mga agam-agam
Masakit man sa dibdib at kahit patuloy na nagdaramdam
Bigkas ng bibig, isang bulong na "paalam"..

Masakit mang tanggaping hindi mo na mahal
Para ko natikman ang higit sa sanlibong sampal
Ngunit kung ito na ang paraan ng Poong Maykapal
Na ako'y magising sa aking pagkahangal.

Sa aking pananahimik ayoko nang manumbat
Sapat na sa akin ang sabihin mo lahat
Amining hindi mo na mahal, matapang na pagtatapat
Kahit sa puso ko'y nag-iwan ng malalim na sugat.

Alam kong masaya ka na at hindi ka na guguluhin
Upang ang buhay ko ay magpatuloy na rin
Sugat sa dibdib,isa lang aking hiling
Sa Diyos pagdating ng panahon nawa'y hilumin.