Biyernes, Mayo 31, 2013

"Sa Dakong Takipsilim"

Minamasdan ang langit at ulap
Nag-aagaw na ang dilim at liwanag
Sa mata'y may luhang malalaglag
Kaya nga ayaw man lang kumurap.

Ang mga pangarap ay huminto na doon
Ng malapit ng magdapit-hapon
Tanggapin na lang ng buong hinahon
Malapit nang matapos ang misyon.

Sa pagtatapos ng iyong paglalakbay
Malapit mang marating ang "finish line"
Huwag mong kalimutang isalaysay
Ang kwento ng masining mong buhay.

Sa dako ng iyong takipsilim
Huwag hayaang ang puso'y manimdim
Isipin mong sa dulo ng dilim
Ang liwanag ay naghihintay pa rin.

Kung tuluyan mang lumubog na ang araw
At ang gabi ay sadya na ngang nangibabaw
Sa nanlalabong matang di na makatanaw
Ang katahimikan nito'y siya mong kaulayaw.

Ito na lamang ang iyong pakaisipin
Gaano man kalayo ang iyong narating
Iisa lang ang magiging hantungan natin
Lahat tayo ay may kanya-kanyang takipsilim

Like · 

Biyernes, Mayo 24, 2013

"Kapitan Sabong"


Mamang nakasalakot
Matangkad at payat na panot
laging may hawak na manok
alaga sa pagbuga ng usok.

Tuwing araaw ng linggo
Alalay niya ang kristo
Sa pustang sampung libo
Di magkamayawa sa gulo.

Kapag sinimulan na ang sabong
Magsisimula ng dumagundong
Sumisigaw ang mga lulong
Sa bisyong ito nakakulong.

Ilang minuto lang ang laban
Mayron ng panalo't talunan
Isang linggong pinaghirapan
Sahod ay naubos sa pustahan.

Sa isip niya ay "di bale'
Sa susunod na derby
Tataya na siya ng malaki
Sa pagkatalo ay makabawi.


"Ang Tsinelas ni Nene"


Kahit kababaeng tao
ang paa ay may kalyo
Ngunit taas-noo
na tambay sa kanto.

Sa manipis niyang tsinelas
talamapakang puro gasgas.
Tumatakbong walang habas
Kahit pa nga mapigtas.

Sa halagang beinte
Hirap siyang makabili
Pinagtitiyagan parati
Tsinelas na pipi.

Sa baha man o init
Sa tsinelas niyang punit
Di alintana ang pait
Ang buhay niyang kaylupit!

Di man magkapareha
Ang mga sapin sa paa
Doon sa kalsada
Nag-iisang reyna..


"Mga Buwaya sa Lungsod"


Ang mga buwaya sa ilog
ay lumipat nasa mga lungsod
magpapalaki ng "botod"
dito ay magpapakabusog.

Iba't iba ang kanilang anyo
Sa unipormeng nagbabalatkayo
Sa mukha ng mga pulitiko
Doon ay nagtatago.

Sa kanilang mga pangil
kung kumagat ay malalim
Tiyak na may gigil
sa yaman natin.

Sa kanila ay walang bawal
Basta sa salapi ay magkamal
Silang mga naging hangal
Sa kasakiman ay nunukal.

Di importante sa kanila ang kapwa
Kundi ang laman ng bulsa
Kung tumulong man ay barya
Sa sandaang pisong ambaga niya.

Hindi talaga uusad
hangga't sa lungsod ay nagkalat
Mga buwayang walang habag
pera ng bayan ay nilaspag!




"Ang Banggera ni Impo"


Pinagtagpi-tagping kawayan
Maninipis na pamakuan
Nagsilbing pamingganan
Malayo sa palikuran.

Kahit na makaluma
Yaong babaeng matanda
Tangan ang kanyang losa
Malapit sa banggera.

Tinidor-kutsara sa sulok
Sa kahoy na hugis tatsulok
Mga baso'y nakataob
Kahit na ito'y magapok.

Sa gilid may tapayan
Ng tubig na sisidlan
Nagsisilbing inuminan
Ng mga uhaw na lalamunan.

Pagdating sa umaga
Magtitimpla ng tsaa
Hawak-hawak ang tasa
Na parang kondesa.

"Sa Gitna ng Katahimikan"


Pumunta ka sa isang tahimk na lugar,
At tandaan nasa gitna ng masalimuot na buhay
Ay mayron ding kapyapaan.
Sa kailaliman ng iyong puso,
Pakinggan mo lahat ng damdamin
Pagkat sila man ay may isasalaysay din.
Huwag mo ikumapra ang sarili sa iba
Sapagkat may kapus-palad at pinagpala kaysa sa 'yo,
Makakaramdam ka lang ng pait at pagkabigo
Iwasan ang mga taong mapanlibak,
Sapagkat sisirain nito ang matibay mong kalasag
Maging mababa an loob sa pagtanggap ng kahinaan
Huwag mo ipag-alala sapakat hindi ito kabawasan
Sa pagkatao mong itinindig mo may dangal.
Huwag mo isiping kaw lang ang nagdurusa sa mundo,
Hindi lang ikaw ang may wasak na puso,.
Maraming mga tao na sa kabila ng pagkabigo
Ay patuloy na lumalaban at nananatiling nakatayo.
Huwag husgahan yaong mga sumubok at nabigo,
Kundi yaong mga nabigong sumubok.
Tandaan na ang buhay ay puno ng pakikibaka.
Hindi dapat mangamba sa kapalarang sa ati’y itinadhana.
Kung nabigo ka man o ngtagumpay,iisa pa rin ang mahalaga
Hindi mo inatrasan ang hamon sa iyo’y itinakda…
Maraming kapaguran ng puso at isip ay dulot ng takot
Magka minsan ay buhay ay nagiging masalimuot
Kaligyahan at kapayapaan sa puso mo’y hinahakot
Sigla mo ay ninanakaw at balot ka ng lungkot.
‘Wag kang matakot na lumakad mag isa,
Tibayan ang dibdb mayroon kang kasama
Sasamhan ka Niya sa iyong paglalakbay
Hanggang sa huling takipsilim ng iyong buhay.
Humayo ka at hanapin ang sarili,
Tandaan,na sa kabila ng lahat ng iyong pighati
Darating din ang umagang sisilay din ang ngiti
Sa Diyos makakatagpo ng tunay pagkakandili.
Hayaan na sa iyo'y manatili,
Ang lalim ng kapayapaan sa puso't sarili....

By: Aize



Huwag kang Mangamba hindi ka nag-iisa,sasamhan kita. saan man magpunta, ikaw ay mahalga,minamhal kita......

"Humayo Na"


Namatay na lahat ng pag-asang inaasam-asam
Nalinaw na din pati na mga agam-agam
Masakit man sa dibdib at kahit patuloy na nagdaramdam
Bigkas ng bibig, isang bulong na "paalam"..

Masakit mang tanggaping hindi mo na mahal
Para ko natikman ang higit sa sanlibong sampal
Ngunit kung ito na ang paraan ng Poong Maykapal
Na ako'y magising sa aking pagkahangal.

Sa aking pananahimik ayoko nang manumbat
Sapat na sa akin ang sabihin mo lahat
Amining hindi mo na mahal, matapang na pagtatapat
Kahit sa puso ko'y nag-iwan ng malalim na sugat.

Alam kong masaya ka na at hindi ka na guguluhin
Upang ang buhay ko ay magpatuloy na rin
Sugat sa dibdib,isa lang aking hiling
Sa Diyos pagdating ng panahon nawa'y hilumin.

"Teks Adik"


Hindi mo ba nila naiisip,hindi ba sila nagtataka
Ang nagagawa ng "txt" ay sadyang kakaiba?
Sadyang makabago ating teknolohiya
Malalim na emosyon,dito'y naipapadama.

Magkaminsan nga kahit hindi mo pa nakikita
Kahit hindi pa rin lubos na nakikilala
Sa lambing lang ng text,kinikilig na
Kahit "jejemon" pa nga pilit pang binabasa.

Yaong mga adik sa teks,kahit hindi na yan kumain
Kahit masakit na ang kamay ay sige pa rin
Maghapon,magdamag cell phone ay aatupagin
Parang nanggigil,mahirap pigilin.

Kahit nga sa daan hindi yan paaawat
teks ng teks,cp ay laging hawak
Kahit sa gitna ng klase wala ding patawad
Hindi alintanang galit ni teachr ay sumambulat.

Naiimbyerna pa yn kapag hindi makapag-unli
Paregs ng paregs hindi mapakali
Sukdulang mapudpod man ang daliri
Maiteks lang ang naghihintay na si "honey".

"Paalam, Mahal naming Kaibigan"


Ang paglisan mo ay isang malaking dagok
Sa pamilya,kaibigan,estudyante’t na ngayo’y nalulungkot
Na tigib ng luha, at damdami’y masalimuot
dito sa aming puso’y mayroong kirot.

Hindi matatawaran ating pinagsamahan
Doon sa Malinta,unang naging tagpuan
Paaralang naghubog sa ating pagkakaibigan
Kapatid,kapamilya ang naging turingan.

Naisip ko pa nga,magkaibigan hanggang sa huli
Hanggang sa tumanda,buhok ma’y pumuti
Magsasama sa lahat ng oras,sa lungkot man o ngiti
Hindi mag-iiwanan,magkasamang lagi.

Ngunit hindi sinasadyang maaga mo kaming nilisan
Hindi ka man lang namin nayakap ng lubusan
Oh di kaya’y napisil at kamay mo’y nahawakan
Hindi rin nasabing “mahal ka namin,kaibigan”

Sa iyong paglisan baunin nawa aming mga dasal
Kapayapaan mo’y hiling namin sa Poong Maykapal
Hindi ka malilimot pagkat lagi ka naming mahal
Hindi kukupas ganu man katagal…

Paalam na sa ‘yo butihin naming kaibigan
Magkikita kita pa rin tayo doon sa walang hanggan
Sa piling ng Poon na siya mong magiging kanlungan
Ng iyong kaluluwang hihimlay sa Kanyang kapayapaan.

"Pagbawalan ang Puso"


Hindi nga ba minsan nang naransan ang sakit?
Dulot ng masaklap at mapait na pag-ibig
Na sa puso mo'y malalim an inukit
Ipinutong sa 'yo tila isang libong tinik!

Dahil sa pagkabigo takot nang muling magmahal
Natikman ng puso ang manamlay at mapagal
Paghilom ng sugat ay laging inuuusal
Doon sa kawalan hinintay mo ng kaytagal.

Pagbawalan ang pusong 'wag nang umasa
Huwag nang maghintay,huwag nang ding  magtiwala
Sa pagmamahal na nagbabalatkayong mukha
Baka mabigo lang at ika'y muling  lumuha.

"Ang Paghihintay"


Nagising na lang akong,ako'y nag-iisa
Saan mang sulok ay hinahanap ka
Hindi ka matagpuan,hindi ka makita
Ni isang kurap ng mata ay hindi ko magawa.

Tila yata malayo na ang aking narating
May ilan nang pagibig sa akin ay dumating
Hindi na mabilang ang sakit ng pagdaing
Pagkat ikaw pa rin ang tangi kong hiling.

Sa aking pananahimik hindi ka man lang matanaw
Hinihintay ka pa rin hanggang sa paglubog ng araw
Doon sa tabing dagat lagi kong kaulayaw
Habang nangangarap sa makulay na balangaw.

Mapagal man ako sa maghapong paghihintay
Dumilim man at umulan,kidlat man ay sumabay
Di matitinag sa pag-asang walang humpay
Hindi ka man dumating,ikaw parin aking buhay.

Tanging ikaw lamang ang nagmahal ng ganito
Kaya't mga alaala mo'y isang magandang kuwento
Daig pa nito ang nagniningning at mamahaling ginto
Kaya sa baul ng pag-ibig kasama kong itatago.

Kaya't kung sakaling hindi ka man dumating
Gaano man ito kasakit sa isip at damdamin
Ang paglayo mo kayhirap tanggapin
Ngunit kailangan nang ang puso'y palayain...

"Walang Hanggang Pasasalamat"


Salamat,salamat,at laging salamat!
Bukambibig ang siyang dapat
Doo'y sa puso din nagbubuhat
Pag-ibig Mo'y hindi masusukat.
Salamat sa mababait na kapatid
Sa magulang na iniibig
Sa hipag na kay bait
Sa mga pamangking sa amin ay "gift".
Salamat sa mga kaibigan,
Sa kanilang tawa't halakhakan,
Sa panahon ng kulitan,
Sa panahon ng harutan,
Sa panahon ng iyakan,
Sa panahon ng kalungkutan,
Sa panahon ng tampuhan,
Nasubok ang tatag ng samahan.
Salamat sa mga estudyante
Sa mga makukulit sa klase
Sa mga laging pasaway,
Sa mga mahilig mang-away,
Sa mga mahilig mag-cutting,
Sa mga late dumating,
Sa mga walang asaynment,
Sa mga dati ng naka gradweyt
Sa mga matatalino't mahihina,
Sa mga tahimik at dakdakina,
Sa mga mahilig mangopya,
Sa mga hindi marunong mandaya,
Sa mga nagsisikap at nagtitiyaga,
Sa mga nagwawalang bahala,
Sa mga lahat na napagalitan,
Sa mga nasermunan
Salamat,salamat sa inyo
Pagkat binubuo nyu
Kahalagahan nitong pagkatao.
Salamat sa mga nanakit
Sa mga minsang nanlait,
Sa mga nagpaiyak,
Sa mga yaong mapanlibak,
Sa mga matang mapagmatyag,
Sa mga di marunong tumanggap,
Sa mga mapang-isnab,
Sa mga taong mapagmataas,
Sa mga may dilang matalas,
At sa nang-iwan.....
Salamat,slamat parin sa inyu!
Abang pasasalamat alay ng puso.
Higit sa lahat,salamat sa Poon
Simula pagsilang hanggang ngayon
Di pinabayaan,Iyong inampon
Sa lahat ng pagsubok,sa lahat ng hamon.......

1

"Paglingap"


Bawat sandali sa buhay ng tao
Lumalakad minuto’t Segundo
Huwag sayangin bawat lakas mo
Habang bata’t malakas ang buto
Magtanim ng mabuti sa puso
Sapagkat ‘ika nga sa kantang tanan
Minsan lamang tayo daraan
Sa mundong puno ng panlilinlang
Kaya’t ang mabuti, gawin na ngayon
Sa nangangailangan dapat tumugon
Mata’y ibukas at wag maging bulag
Sa kapwang hikahos at naghihirap
Sa pagkain at sa yaman ay salat
Sa kaginhawahan sila’y hubad
Tumindig ka’t ialay ang palad
Sa kanila’y ipadama ang paglingap.
Gawain ng isang tapat na alagad
Sa kabutihang nagawa’y wag maghangad
Hayan mong Siya ang maggawad
Sapagkat Siya lamang ang tapat na Hukom
Sa iyo’y huhusga sa dako pa roon
Sa pagtatapos ng iyong misyon…

"ULAN"


Sa bubong pumapatak na naman
Ang dagunot ng malakas na ulan
Parang musika kung aking pakinggan
Melodiyang masaya sa pakiramdam.

Hampas ng hangin tila isang awit
Nanunuot sa aking pandinig
Di man maikumpas yaong himig
Dulot ay kilig sa aking dibdib.

Lamig na dulot mo sa aki'y yumayakap
Animo'y haplos na sa puso'y nag-aalab
Hatid ay ngiti at may bating galak
Nalilimot din mga bigong pangarap.

Kung pwede nga lang 'wag ka ng umalis
Nang 'di na makaramdam ng lunkot at hapis
Ngunit pagnagtagal hatid mo ay labis
Baha at delubyo sa tao ay pasakit.

3

"Dilang Matalim"


Bago magsalita 'sanlibong mag-isp
Himaymayin ng paulit ulit
Baka sa iba ikaw ay makasakit
Daig mo pa wala sa sariling bait.

Kung di makakatulong 'wag ng sabihin
Baka hindi matanggap at di maatim
Sa paligid mo baka sila'y manimdim
Sa dila mong tila hinasang patalim.

Hindi naman kabawasan sa iyong pagkatao
Kung nais sabihin ang sadyang totoo
Ngunit bigyan lang sana kahit kunting respeto
Ang damdamin ng abang kapwa mo.

Ilagay sa lugar ang pagiging prangka
Kung ito'y di nakakasakit sa iba
May kapintasan man ay tao parin sila
Na dapat mong tingnan,katoto kong sinta.


"Pilipinas,For Sale?"


Sa aking pamamahinga aking napanood
Patalastas sa tv masakit sa gulugod
Katotohanang sadyang nakakalungkot
Yamang likas natin ay hinahakot.

Bakit naging talamak yaong bentahan
Sa giliw kong perlas ng silangan
Tila produktong naging pakyawan
Mga ganid na negosyanteng dayuhan.

Pati mga isla ginawang pribado
Ng mayayamang sagad sa buto
Pagkagahaman sa salap at ginto
Sa likas na yaman natin sila'y berdugo!

Pati kabundukan 'di rin pinatawad
Kinalbo't ginawa na ding patag
Lupa'y isinakay at doon inilayag
Magkamal lang ng salapi sa mga dayuhang kumag!

Kilala tayong sagana sa coral reefs
Sa asul niyang dagat at sa isda ay hitik
Buong mundo pa nga sa ati'y naiinggit
Ngunit pinagkakitaan lang ng mga walang bait.

Kung magpapatuloy ganitong kalapastanganan
Bayan kong isinadlak sa kalakalan
Wala ng paggalang sa ating inang kalikasan
Ano na kaya ating magiging hantungan?

Masakit isiping 'Pilipinas,For Sale?
Damdaming pinoy sadyang nakapanggigil
Huwag sanang magtagal yaring hilahil
Yamang likas maubos at makitil.

"Move On!"


Lagi kong naririnig ang salitang "move on!"
'Wag ko na daw balikan,'wag ng lumingon
Sa nakaraang may masakit na kahapon
Payo ng kaibigan sa akin  ay bulong.

Mayroon ding nagsasabing ipaglaban daw kita
'Wag daw akong sumuko kahit nasasaktan pa
Ngunit ang hirap yata kung ipaglalaban ka
Gayong puso mo'y inilaan na sa iba.

Napag-isip kong manahimik na lang sa tabi
Lahat ng sakit dapat na lang ikubli
Anuman ang pinagdaanan idaan na lang sa ngiti
Maging malakas sa likod ng pighati.

Kaya ko din naman mabuhay ng normal
Kahit sa aki'y wala ng nagmamahal
Hindi na hahayaang puso'y muling masakal
Ng nakaraang binalot ng kaytagal. 

Hindi ko din hahanapin ang pag-ibig ng iba
Sugat na tinamo hayaang maghilom ng kusa
Sa kamay ng kapalaran sa kanya ipaubaya
Ang hatol ng mapaglarong tadhana.

"Keypad"


Sa keypad nakatingin
Nagiisip pa man din
Tulang papandayin
Galing sa damdamin.
Minsan walang kausap
Ayaw naman makipagchat
Hawakan ang  keypad.
Daliring pipilantik
Damdami'y isasatitik
Ng walang alumpihit
Sa isip nakasiksik
Sa mga ideyang hitik
Nag-uumapaw na pilit.
"Keypad" nagbibigay-pansin
Nababasa ang damdamin
Ng makatang nakasalamin.
Minsan pinagtatawanan
Mapagmataas na hunghang
Akala mong may alm
Tulad ko din namang mangmang.
"Wag isiping ako'y weird
Kanya-kanya lang yan ng trip
Paganahin din ang isip
Sa "keypad" kong cheap!

"Ang Bayan ng Malambing"


Kahanga-hanga yaong mga taga-bulacan
Kahit saan mang anggulo mo tingnan
Ugali't pananalita'y magandang tularan
Pino ang kilos at sadyang simpple lang.

Doon sa Bulacan State University
Kagigiliwan mo ang mga estudyante
Maging babae man o maging lalaki
Di nawawala ang ngiti sa labi.

Yaong mga dalagita’y sadyang mahinhin
Kung makipag-usap laging may lambing
Kahit mga binatilyo’y maginoo’t matulungin
Sa kanila’y wala kang itulak-kabigin.

Di rin pahuhuli yaong may edad na
Magiliw sa pagtanggap ng bisita
Ngiting sasalubong sa bawat pamilya
Aasikasuhing lubos buong pagsinta.

Isang pagpupugay at isang saludo
Sa lahat ng mga bulakenyo
Ipagmalaki mo ng taas-noo
Magiliw kang lahing Filipino.



"Kaysarap Mabuhay"


Bigo.
Low spirit.
Parang walang katapusang sakit.
Sakit na parang gusto mo nang takasan.
Gusto mo nang sukuan.
Takot ka na kasing lumaban..
Parang naubos na lahat ng lakas at tapang mo.
Ang dami mo na kasi kinikimkim dyan sa puso mo,
..sa isip mo.
Pinasan mo na yata lahat ng sama ng loob.
Hindi ka ba napapagod?
Ang dami mong takot.
Ang dami mong alalaahanin.
Hindi mo ba naisip na ang dami nang nasasayang?
Ang mga oras na dapat masaya ka.
Nakangiti.
At humahalakhak na kasama ang mga importantentg
tao sa buhay mo.
..ang pamilya mo,
..ang mga kabigan mo.
..barkada,mga ka-tropa
..mga kasamahan mo sa trabaho
..mga long lost friends mo,at mga kaklase mo...
Ienjoy ang buhay.
Sabi nga nila,"Live life to the fullest"!
Ang ganda,di ba?
Kumbaga,gawing magaang lang ang buhay.
Siyempre lahat naman tayo may problema.
May kanya-kanyang pinagdadaanan.
Pero sa kabla non,masarap pa rin mabuhay.
Pero pano mo mararanasan'yon?
Kung ikaw mismo,ayaw maging masaya.
Ikaw mismo,takot maging masaya.
Huwag ka kasing matakot.
Huwag kang paapekto sa "rejection" ng iba.
Eh ano ngayon kung ganyan ka?
Kung ayaw nila sa iyo,
Kung baon ka man sa utang,
Kung single ka at walang partner,
Kung mahina ka sa klase,
kung nabuntis ka ng maaga,
Kung iniwan ka man ng iyong pinakamamahal,
Kung nalugi ang negosyo mo,
Kung natanggal ka man sa trabaho,
Kung ginamit ka at niloko,
Katapusan na ba ng mundo?
Wake-up!
May panahon ka pa.
Kailanaman hindi nauubos ang pag-asa.
Laging may pagkakataon.
Ilang beses ka mang mabigo.
Masaktan.,
Umiyak.,
At madapa..,
Tandaan mong masarap parin ang mabuhay!
Simulan mo...
Ngayon na!...

  

"Estudyante Sugatan"


Papasok na naman sa paaralan
Umagang sikmura ko'y kumakalam
Kapeng malamig ang laman ng tiyan
Di alintana 'wag lang magalit si mam.

Ngunit batid kaya ni Mam mga dinaranas ko?
Bakit laging tahimik doon sa bandang dulo,
Di naman pwedeng isigaw sa mundo
Na kahit bata ako din ay bigo.

Kung napapagalitan man dahil maingay
Sa inyong klase at madalas pasaway
Dahil lumaki akong walang gumagabay
Bata pa lamang hiwalay na sila Itay at Inay.

Noong ako ay ma-drop out at naging tambay
Dyan sa kanto pasimuno ng away
Ngunit kahit ganon puso pa rin ay dalisay
Nais parin makabalik sa 'yong mga kamay.

Puso'y nagpupuyos at nagrerebelde
Pagkat sa aki'y walang umuunwa't umiintindi
Walang ginawang tama,lagi na lang nasisisi
Kaya't halos ayoko ng pumasok sa klase.

Minsan kang nakita sa akin ay nagalit
Pagkat project sa iyo'y naipasa ko ng late
Hindi mo ba alam sa pera kami ay gipit
Nakaratay pa ang patpating inang maysakit.

Alam mo ba nung minsang ako'y tinawag mo
Sa gitna ng talakayan ako'y pinatayo
Wala akong nasabi pagkat ako'y tuliro
Puso kong bata'y pinaglaruan at niloko.

Kahit itago ko sa aking pagkabungisngis
Ang pagtawa't paghalakhak ko ng labis
Hindi nyu ba alam ang ikinukubli kong hapis
Sa murang edad tatlong buwan nang buntis.

Ngayon Ma'am,inyo na pong nalaman
Katotohanan sa likod ng mga matang malamlam
 Maraming estudyanteng may pait na pinagdadaanan
Hiling ko lamang na 'wag kaming husgahan..

Kailangan kita,kailangan ka namin, Ma'am!
Huwag mo naman sana kaming pabayaan
Ang palad mo ang siya naming kanlungan
Sa tulad naming may mga pusong sugatan...

"Yapak sa Buhanginan"


Minsan...
Akala mo, 
Nag-iisa ka lang sa mundo.
Mag-isang hinharap ang problema,
Ang lahat ng pait,.
Ang lahat ng pasakit.
Minsan,.dumadaing ka na.
Sumusuko.
Pakiramdam mo,parang wala ng katapusan.
Gusto mo man lumaban,
Pero mahina ka,
Mabuway.
Wala ka matakbuhan.
Wala ka makapitan.
Gusto mong magsumbong,
Pero walang gustong makinig.
Nasaan na nga ba sila?
Pero,hayaan mo na sila.
Huwag mong hanapin sa kanila,
Ang lakas na hinahanap mo,
Dahil mabibigo ka lang,
Madi-disappoint.
Ang bigat ng puso mo,
Kay Hesus mo ihabilin.
Ipagkatiwala.
Ipaubaya.
Kailanman hindi ka Niya pinabayaan.
Akala mo kasi,
Nakalimutan ka na Niya..
Ikaw lang ang nakalimot.
Ganun ka naman eh,
Kapag masaya ka,
Halos hindi mo na Siya maalala.
Pero alam mo...
Kahit ganun ka,
Mahal ka pa rin Niya.
Hindi mo ba alam,
Na sa bawat bigat ng puso mo,
Ng kalooban mo,
Nando'n lagi Siya.
Parang bakas lang,
Ng Kanyang mga yapak sa dalampasigan,
Akala mo hindi Ka niya sinasamahan,
Dahil iisang yapak lang ang nakita mo.
Pero ang totoo,
Kasama mo Siya,
Hindi mo lang nakita ang isa,
Dahil karga ka Niya
Habang naglalakad kayo sa buhanginan..

"The Writer's Journey"


I am waiting for a perfect moment
In the deepest part of my silence
Words can be written
And the heart could be spoken.

When soul near at peace
As God with His loving grace
In His hand,I thank and praise
That my life is no longer in mess.

May He bless me the vocation to touch
For those who feel that they are left and unloved
For those who are weak,alone,and sad
Through my poems,God speaks in their hearts.

As I continue  with this  journey
I  know that life will not that be easy
But I still believe in good destiny
I will come to an end through His glory.



"Masarap Nga Bang Maging Single?"


(for movie-making)

Malaya ka sa oras..
Kahit saan mo gusto pumunta,
Kahit anong oras,
Pwede.
Walang pipigil.
Walang magagalit.
Hawak mo ang iyong panahon,
Walang pwedeng magdikta sau.
Ikaw ang boss.
Ikaw ang manager ng buhay mo.
Pero ang tanong nila,
Masaya ka nga ba?
Masarap daw kasi manood ng sine,
ng may kasama..
Mag-food trip na kasama ang minamahal.
Magsimba ng sabay kayong dalawa.
Mag-shopping sa mall na kasama siya.
Mga panahon na gusto mong maglambing.
May magsasabi sa 'yo ng,..
I love you.
Ingat ka huh,
good night at sweet dreams..
Eh paano nga kung talagang wala?
May magagawa ba sila?...
Pero hayaan mo na lang sila.
Huwag ka na lang magpaapekto.
Eh ano ngayon kung single ka..
Ang importante,
Ikaw muna.
Mahalin mo muna ang sarili.
Ienjoy mo muna ang pagiging single..
Huwag kang matakot mag-isa.
Hindi naman sukatan ng kaligayahan,
ang pagkakaroon ng partner..
Kung minsan nga di ba
kapag may partner,
magulo..
masalimuot..
at nakakadagdag ng stress sa 'yo.
Kaya hayaan mo na,
kahit single ka,
malaya naman ang isip mo,
malayo ka sa anumang stress.
Kaya't mabuhay ka ng may ngiti,
ang buhay ay puno ng excitement.
Malay mo isang araw,
Muling kiligin ulit ang puso mo...
 At matagpuan mo na,
Ang taong karapat dapat sa pagmamahal mo..
Huwag ka lang mainip,
Maghintay ka lang...
Damhin mo muna,
Ang buhay na nag-iisa.
3