Biyernes, Mayo 24, 2013

"Kahit Nasaan Ka Man"


Nawalay ka man sa aming piling
At gano man kalayo ang iyong narating,
Kapayapaan mo ang laging dalangin
Sa luklukan ng Amang Poon natin.

Diwa ng pagkakaibigan nananatiling buhay
Dito sa aming puso ay siya naming gabay
Kahit ikaw pa nga sa amin ay nawalay
Di ka nakakalimutan mga kaibigang mong tunay.

Nakapanghihinayang pagkat di ka na nakasama
Na sabay pumuti ang buhok hanggang pagtanda
Sabay-sabay tayong magreretiro sa malinta
Ngunit sadyang ikaw ay nauna na.

Pero ganun pa man,mahal na kaibigan
Salamat sa mga di malilimutang samahan
Na hanggang ngayon aming inaalagaan
Kahit nasaan ka man.....


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento