Huwebes, Mayo 23, 2013

Ang Piping Saksi


Doon sa tahimik
Di nagsasalita
Di umiimik
Sa 'king paggibik
Di dama
yaring sakit
Wala man siyang isip
Di man alam pumikit
Sa kanya kumapit
Kaliwat kanang sumingit
Mabilis tumakbo
Layong kilometro
Sa malapad na semento
Di alintana ang layo
Sa baha at bagyo
Ula ma'y pabugso-bugso
Di kami humihinto
Sitsitan man ng pito
Redboys na nakatayo
Sa kahabaan ng kanto
Siyasatin ang preno
Nasaan lisensiya mo?
Ang daming reklamo.
Walang kagatol-gatol
Kahit traffic buhol-buhol
Sige sa bulakbol
Biyaheng walang putol.
Hindi marunong mapagod
Gulong ma'y naupod
Masakit na yaring gulugod
Sa tuling nakakalunod.
Pipi kong saksi
Kasama kong lagi
Pede bang humingi
Pahinga muna kahit sandali...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento