Di na mabilang ilang taon nang ginugol
Buhay-sekondarya sa loob ng iskul
Taon-taon na lang repeater ang hatol
Sa sarili niya'y wala na yatang patol.
Kung di drop-out lalgi namang repeater
Naanod na kanyang pagiging tinedyer
Kilala na ng guwardiya,lahat ng teachers
Nagreitro na nga ang iba,sila mam at sir!
Tunay ngang siya ay inugat na
2nd year ay di niya maipasa-pasa!
Report card lagi na lang namumula
Sa form 18 ni mam,ang sakit sa mata!
Napuno na yata niya ang lahat ng forms
Naabutan na din laht uri ng uniform,
Di man lang makaabot sa JS Prom
2nd year pa rin,inabot ng tatlong taon!
Mas masarap kasing tumambay sa kanto
Don sa comp.shop maghapong maglaro,
Pustahan sa dota,lagi namang talo
Pag-uwe ng bahay,sasalubong ay palo
Habang si teacher ay nagrorol-kol
Wala sa klase nasa galaan sa mall,
Sarap buhay wantusawang bulakbol
Pagdating sa card puro matalim na palakol!
Pagdating ng test walang dalang papel
Magagalit ang gurong nakalapel,
Sa pangongopya di mapgil-pigil
Hindi alintana ang gurong nanggigigil.
Walang linggong di nasangkot sa gulo
Lahat na yata na sa kanya ang reklamo
Iiling-iling na lang ang gurong tagapayo
Malaim na hiningang nakakunot ang noo.
Binansagang teacher's enemy no.1
Promotor sa lahat ng kalokohan,
Siya ang meyor ng silid-aralan
Pang-aasar sa klase'y walang pakundangan.
Pagdating ng marso eto na ang iyakan
Ng mga nakikiusap na magulang,
"Pwede ho bang ipasa nyu na lang"
Sa 2nd yr,makaahon man lamang!
Pano haharapin magandang kinabukasan
Kung taon-taon na lamang ay laging naiiwan
Maraming taon na ang sadyang nasayang
Maawa naman sa aba mong magulang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento