Pagkawala niya'y isang malaking hamon
Muling tumindig at nangangarap bumangon
Mula sa sakit sarili'y nais iahon
Sugat ng nakaraan malimot nawa ng panahon.
Hindi kayang tagalan sakit na dnaramdam
Paghilom ng sugat laging inaasam-asam
Doon sa altar,Siya lang ang tanging may alam
Lahat ng lungkot kailan mapaparam.
Oh Diyos ko,ako'y iyong pakinggan
Hilumin Mo,itong pusong sugatan
Punasan Mo din itong pusong luhaan
Upang di na umiyak magpakailanman
Sa bingit ng dusa'y yakapin Mo ng mahigpit
Daluhan Mo ko sa gitna ng paggibik
Sa lahat ng ito'y Ikaw ang aking bukambibig
Pagkat anak Mong Siya mong iniibig.
Muling tumindig at nangangarap bumangon
Mula sa sakit sarili'y nais iahon
Sugat ng nakaraan malimot nawa ng panahon.
Hindi kayang tagalan sakit na dnaramdam
Paghilom ng sugat laging inaasam-asam
Doon sa altar,Siya lang ang tanging may alam
Lahat ng lungkot kailan mapaparam.
Oh Diyos ko,ako'y iyong pakinggan
Hilumin Mo,itong pusong sugatan
Punasan Mo din itong pusong luhaan
Upang di na umiyak magpakailanman
Sa bingit ng dusa'y yakapin Mo ng mahigpit
Daluhan Mo ko sa gitna ng paggibik
Sa lahat ng ito'y Ikaw ang aking bukambibig
Pagkat anak Mong Siya mong iniibig.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento