Nagulat ka noh?akala mo eto na!
"Facebook" ay gagawan ko ng tula
Ito'y kwento tungkol sa isang patpating bata
Sa murang edad,nagdanas ng dusa.
Psssstt, Bok! ang maririnig sa umaga
Bulyaw ng isang lasenggong ama
Sa batang paslit na takot ang mukha
Nanginginig ang baba't nakadungaw ang luha.
Hindi lilipas ang maghapong wala siyang palo
Mula sa amang batugan at barumbado
Hindi na naisip katawan nitong c bunso
Pasa at latay sa matigas niyang kamao.
Pssstt, Bok! kapag walang matawag
Uutusan ang musmos upang magpabili ng alak
Tila barbarong sa bisyo'y sagad
Pati baryang kipkip ng anak ay hindi na pinatawad.
Sa singkad ng liwanag estudyante yaring musmos
Ngunit pagkagat ng dilim palaboy at busabos
Dun sa avenida,nakaupo’t namamalimos
Kumakalam ang sikmura,anyong kalunos-lunos.
Pssstt, Bok!tawag ng kapwa pulubi
“Tara dun sa dilim”,ang aya ng isang pang munti
Lilong talilong pagkakita sa bote
Walang kagato-gatol suminghot na rin ng “rugby”.
Pag-uwe ng bahay ang ama’y nasa pinto
Madilim ang mukha’t nakakunot ang noo
Pula ang matang tila durog sa bato
Hinihintay ang baryang eentrega ni bunso.
Nang walang maiabot yaong batang payat
Dumapo sa tiya’y malakas na tadyak
Sa nipis ng katawa’y hindi na nahabag
Yang amang berdugo sa anak!
Pagsapit ng umagang ngumiti na ang araw
Si Bok sa higaan ay hindi na yata gumalaw
Malamig nang bangkay buhay niya’y inagaw
Mula sa kamay ng amang halimaw!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento