Minsan...
Akala mo,
Nag-iisa ka lang sa mundo.
Mag-isang hinharap ang problema,
Ang lahat ng pait,.
Ang lahat ng pasakit.
Minsan,.dumadaing ka na.
Sumusuko.
Pakiramdam mo,parang wala ng katapusan.
Gusto mo man lumaban,
Pero mahina ka,
Mabuway.
Wala ka matakbuhan.
Wala ka makapitan.
Gusto mong magsumbong,
Pero walang gustong makinig.
Nasaan na nga ba sila?
Pero,hayaan mo na sila.
Huwag mong hanapin sa kanila,
Ang lakas na hinahanap mo,
Dahil mabibigo ka lang,
Madi-disappoint.
Ang bigat ng puso mo,
Kay Hesus mo ihabilin.
Ipagkatiwala.
Ipaubaya.
Kailanman hindi ka Niya pinabayaan.
Akala mo kasi,
Nakalimutan ka na Niya..
Ikaw lang ang nakalimot.
Ganun ka naman eh,
Kapag masaya ka,
Halos hindi mo na Siya maalala.
Pero alam mo...
Kahit ganun ka,
Mahal ka pa rin Niya.
Hindi mo ba alam,
Na sa bawat bigat ng puso mo,
Ng kalooban mo,
Nando'n lagi Siya.
Parang bakas lang,
Ng Kanyang mga yapak sa dalampasigan,
Akala mo hindi Ka niya sinasamahan,
Dahil iisang yapak lang ang nakita mo.
Pero ang totoo,
Kasama mo Siya,
Hindi mo lang nakita ang isa,
Dahil karga ka Niya
Habang naglalakad kayo sa buhanginan..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento