Biyernes, Mayo 24, 2013

"Maskara"


Lagi kang nagbbrowse sa FB?
Mga profiles at mga uploaded pictures
Dami mo ding nababasa status di ba?
Yun mga dati mong old friends,
Yun dati mong mga classmates,
Lahat  sila may kanya-kanya ng buhay.
Yung inaakala mong dating mahina,
Yung dati akala mo walang mararating
Ngayon magaganda na ang buhay nila.
Yung iba mukhang masaya,
Yung iba nga mukhang sosyal pa
Lahat ng pictures naka-upload
Andun na yata lahat ng okasyon,
Bdays,kasal,despedida,pati mga reunion
Nakapost din pati pagtambay sa mall
Walang katapusang gimik lahat nandon.
Minsan,hindi mo maiwasang di mainggit
Na para bang ikaw ay napapaisip,
Kasi ba naman lahat yata sila
May anak at pamilya na,
Yun bang pakiramdam na napag-iwanan ka na.
Pero alam mo ba?
Hindi lahat ng nakikita ng ating mata
Pati na yung ating mga nababasa
Ay repleksyong ng totoong buhay nila.
Maraming mukha sa fb,na maskara lang
Sa likod ng mga ngiti,
Maraming hindi maipaliwanag na damdamin
May sarili din silang pinagdadaanan,
May sarili din dinadala sa buhay
Iba't ibang level nga lang.
Kaya next time,smile ka nal lang.
Isipin mong pare-parehas lang tayo,
Sila man,maging ikaw at ako
Anuman ang ating pagkakaiba,
hindi na yun mahalaga,
Kung anong klase,
ang ginagamit nating maskara...




1

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento