Huwebes, Mayo 23, 2013

Ilang Hakbang Na Lang

Huwag kang matakot abutin ang pangarap
Ganu man ito kataas,milya man ang agwat
Patunayan mong may pag-asa ka ding umangat
Pananalig sa Diyos ang matibay na kalasag.

Huwag pansinin yaong mga nanlilibak
Sa kakayahan mo ikaw ay hinahamak
Isiping sila'y anay sa pangarap mo'y wawasak
Sa pangungutya nila’ di dapat magpasindak

Lahat pagsisikap mo'y may magandang bunga
Hindi man ngayon,darating din ang pagpapala
Sa puso mo'y itanim ang munting pag-asa
Huwag lang kalimutan sa sarili'y magtiwala.

Yaong hirap at pagtitiis siya mong puhunan
Sa pangarap mo'y maging batong tuntungan
Isipin mong mga ilang hakbang na lang
Hindi maglalao'y mararating din ang kaitaasan.

Sa bawat paghakbang wag mong madaliin
Doon sa tuktok iyong dahan-dahanin
Pagkat hinog sa pilit di masarap lasapin
Lalo na’t bubot mapait kung kagatin

Sa iyong dadaanan balakid ay haharang
Susubukin ang tuhod sa bawat paghakbang
Pagsubok sa ‘yoy di mabilang-bilang
Tibayan ang loob,determinasyon,at tapang.

Ilang hakbang na lang ang iyong hinhintay
Minimithing mong pangarap ay siya ng abot-kamay
Kunting tiis na lang para kina Inay at Itay
Nagsilbi mong inspirasyon,lakas,at gabay..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento