Biyernes, Mayo 24, 2013

"Kung Sakali Man"


Huwa kang mangamba
Sabihing di na masaya
Magsabi lang sinta
Na ako'y iiwan na.

Kung kailangan mang lumayo
Damdamin ay nagbago
Masaktan man ang puso
Palalayain ka,mahal ko.

Chorus I:
Kung sakali man
Sana ay magpaalam
Kung sadyang di na mapigilan
ang iyong paglisan
saba ay 'wag kalimutan
Patuloy paring magmamahal

Ayokong madamang nanlalamig
ang mga yakap mo't halik
na di na kasing init
ng dati mong pag-ibig.

Chorus II:
Kung sakali man
Nais mo nang limutin
Meron lamang akong hiling
Huwag sanang ipagkait sa akin
Na ikaw ay mahalin pain.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento