Biyernes, Mayo 24, 2013

"Ang Malambing Mong Pag-ibig"


walang kapantay ang 'yong paglalambing
kaysarap sa puso't damdamin
para bang wala nang mahihiling
kung ikaw ang laging kapiling.

hatid ay ligaya dahil sa iyong mga ngiti
may sigla sa bawat minuto- bawat sandali
pagod at pagkabagot iyong napapawi
pagmamahal mo kasama kong lagi.

ikaw ang nagsisilbi kong inspirasyon
mula sa pagkasawi sa akin ay nagbangon
sa malungkot na nakaraan di na nilingon
pusong sugatan ikaw ang naghilom.

hindi mo lang alam ganu ka kahalaga
sa buhay ko minamahal kong sinta
dito sa puso'y aking inukit na
ang ngalan mong di mabubura.

hindi mo din alam ang hatid mong kilig
sa tuwing sa mata mo'y nakatitig
tila saya at ligayang walang patid
dulot ng malambing mong pag-ibig.

sa tuwing ikay nagdaramdam,di ko matiis
ang matang luhaan nasasaktan ng labis
tila dinudurog ang pusong nahahapis
kaya't patawad ang lagi kong nais.

1

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento