Biyernes, Mayo 24, 2013

"Kamkam Bileygs"


Doon sa isang baryo aking nakita
Malawak at nakatiwangwang na lupa
Walang bahay,walang nakatira
Di na kailangang bantayan ng guwardiya.

Ngunit hindi nagtagal,
May nagtatayo na ng mga trapal
May tabla,yero,ang iba ay bakal
Sa lupang di pag-aari,dito susugal.

Ang dating unang bahay,ay naging dalawa
Naging tatlo,apat, at lima
Hanggang sa dumami at di na mabilang pa
Kanya-kanyang tayo mumunti nilang dampa.

Ang tiwangwang na lupa ay naging komunidad
Ng mga taong doon ay napadpad
Tila mga ibong naghahanap ng pugad
Doon ay lumilim ng walang anumang bayad.

Ngunit ito ang masakit na katotohanan
Tunay na may-ari ay nakamasid na lamang
Ng kanyang paalisin sila pa ang matapang
Handang ipaglaban ang lupang kinamkam.

Nang ipinadala ang demolition team
Doon sa "bileygs" ay dumating
Dala ang iisang layunin
Mga illegal na bahay ay gibain.


Huwag sana nating ipagkaila
Ang ating lipunan ay ganito ang mukha
Sino nga ba ang tunay na kaawa-awa
Ang may hawak ng titulo o ang tulad nila?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento