Di lahat sa iyo'y nakakakilala
Di rin matandaan ang iyong mukha
Ngunit para sa iyong mga natulungan na
Sa iyong larangan ay bayani ka..
Ibinuhos ang iyong oras at panahon
Upang sa iba ay makatulong
Isa itong malaking hamon
Ang magbigay sa lahat ng inspirasyon
Ang RCY ang nagsilbi mong tahanan
Takbuhan ka ng mga nangangailangan
Tawag ng tungkulin di mo tinalikuran
Tapat na gumaganap sa iyong sinumpaan.
Guro sa loob ng silid-aralan,
Mabuting anak katuwang ni Inang
Tumayo ka ng haligi ng tahanan
Mula ng si tatay ay lumisan.
Hindi mo man ngayon anihin
Kabutihang ipinunla mo’t itinanim
Ngunit sa dako ng iyong takipsilim
Pagpapala Niya ay darating din.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento