Biyernes, Mayo 24, 2013

"Ngiti" (a song composition)


Ibig kong ako ay mapansin
Minsan sana ay lingunin
Ang pusong nananaginip ng gising
Pag-ibig mo'y  maangkin.

Nang minsang nginitian
Nag-uumapaw ang kaligayahan,
Nang ikaw ay lapitan
Di maipaliwanag ang naramdaman.

Chorus 1:
Dahil sa iyong ngiti
Muling pinakilig
Tila narating ang langit
Kahit man lang ilang saglit
Para na ding nakamit
Na ginawad na ang iyong pag-ibig
Sana' y magkatotoo na ang panaginip.

Sa ngiti mong nagbibigay-sigla
Pangarap ka sa tuwina,
Sa titig ng iyong  mga mataMay lambing na nadama.

Chorus 2:
Sa iyong ngiti
Muling umikot ang mundo
Mula sa pagkadapa at pagkabigo
Heto at nanunuyo
Muling umiibig ang puso
Maaari bang pagbigyan
Na marinig ang tinitibok nito..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento