Biyernes, Mayo 24, 2013

"Himig ng Makata"


Ang buhay minsan
ay parang tula
Masarap pakinggan
kapag magkakatugma.
Kapag nilapatan na
ng tono at musika
Nagbibigay na ng ibayong sigla.

Chorus:
Ang tula at ang musika
ANg kakambal ng puso
Ang kahulugan ng buhay
Nang isang tulad ko,
Sa bawat komposisyon
Naghahatid ng inspirasyon
Nasaan man naroroon
Ang mensahe ay pagbangon

Ang bawat titik
ay siyang salamin
Ng bawat damdamin
Sa pagkabigo man o pag-ibig
Sa tagumpay man o pagkalupig
Nagsisilbi nating himig.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento