Di ba't kailan lang ako'y humahabi
Ng munting pangarap do'n sa isang tabi
Makaakyat ng entablado,bulong sa sarili
Pangarap na medalyon,lagi ng minimithi.
Di niyo ba alam ang hirap na tiniis
Pa'no ko nalampasan mga projects at quizzes
Tambak na assignments,at maya't mayang practice
Dula sa Filipino,stage play sa English.
Nandyan din ang sayaw at art sa Mapeh
Exciting na debate at reporting sa A.P
Problem solving sa Math,algebra at geometry
May project making pa pagdating sa T.L.E.
Di rin malilimutan eksperimento sa Agham
Scientific method,hypothesis,aming sinundan
Sa Values education kami ay tinuruan
Disipilina'y itinatak sa puso at isipan.
Hindi rin biro ang pumasok sa klase
Na ang inalmusal ay malamig na kape
Tastas na ang unipormeng laylaya'y may sulsi
Nakangangang sapatos may tapal na rugby.
Tiniis ko ang tawag ng lakwatsa at bulakbol
Binuhos ang oras sa loob ng school
Sa dami ng dealine,laging naghahabol
Panahon ko'y sa pag-aaral lang ginugol.
Tanging sandata'y pananalig at determinasyon
Inspirasyon sa pamilya,ang lagi kong baon
Darating ang araw sila ay aking iaahon
Biyayang dulot at pamana ng edukasyon.
Yaong sakripisyo'y di ko pinagngitngit
Pagod,luha,sanlibo mang tinik
Gagawin ang lahat para sa pamilyang iniibig
Pangarap na medalyon akin nang makakamit!
Ngayon,ako'y nasa inyo ng harapan
Naakyat na ang entablado't pinapalakpakan ng tanan
Maraming salamat sa mga guro ko at magulang
Sa inyong pagtitiyaga,disiplina,at karunungan.
Hi po Bb. Theresa Baniquid! Maaari ko po ba kayong maInterview patungkol sa inyong Tula na Ang Pangarap Kong Medalyon? Salamat po sa tugon.
TumugonBurahin