Biyernes, Mayo 24, 2013

"Di Manhid"

Ako ay isinilang
Malakas ang pakiramdam
Di nagmamaang-maangan,
Minsan, nagkukunwari na lang
Na walang pakealam
Kaya idadaan na lang
Sa ganitong tulaan.
Gusto na lang ay manahimik
Magmatyag sa gilid-gilid
Wala ng gustong ihirit
Wag ng magsalita,para safe.
Ika nga,the more you talk
The more you commit mistake.
Kung may tumatakbo
Sa bilis ng iniisip nyu/mo
Alam ko san yan patutungo
Kaya ko sundan,wag lang liliko
Kapag nasukol dun sa dulo
Damhin ang pintig ng puso
Baka sakaling maramdaman
Na ako ay hindi bato..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento