Huwebes, Mayo 23, 2013

"Gising, Kabataan!"

Pssssst! Kabataan,
Oo ikaw nga,.
Pwede ba tayong mag-usap?
Kahit sandali lang.
Alam ko,
Abala ka,
May lakad kayo ng tropa,
May gig ang barkada,
May party kayong pupuntahan,
May date kayo ng gf/bf mo.
Pero,..
Kausapin mo aman ako,
Kahit ilang minuto lang.
Marahil,
hindi mo na ako kilala,
o mamukhaan man lang.
Pero ok lang,
importante kausap kita ngayon.
Nalulungkot kasi ako,
Maraming kabataang tulad mo,
wala ng pagpapahalaga,
sa kanilang pag-aaral,
sa kanilang kinabukasan,
at sa ating inang bayan.
Pakiramdam ko kasi,
Bigon-bigo ako.
Ang laki kasi,
ng "expectation"ko sa iyo,
sa mga kabataang tulad mo.
Hindi ka ba nababahala?
sa kalagayan ng ating bansa?
Sa mga bulok na sistema,
patuloy ang korupsiyon,
ang walang kamatayang gutom,
at kahirapan.
Kailan ka ba kikilos?
Huwag mo hayaan,
lahi natin ay yurakan,
alipustain ng ibang bansa.
Huwag ka sanang..
maging piping saksi.
Nakikiusap ako sa iyo,
Kumilos ka na!
Magsumikap ka sa 'yong pag-aaral.
Tulungan mo,
ang iyong pamilya.
at higit sa lahat,
ang ating bansa.
Huwag mong kalilimutan,
ang sinabi ko noon,
"Na ang kabataan,
ang pag-asa ng bayan!"
Kaya,
Gising na,
Ngayon na!
Dalangin ko,
ang iyong tagumpay.
Nagmamahal......

Gat Jose Rizal.

1 komento: