Biyernes, Mayo 24, 2013

..................


"Bahala ka sa gusto mong isipin"
Yan ang nabitiwang salita sa akin
Di mo ba alam ang sakit sa damdamin
Tila sinaksak ng punyal na matalim.

Tiim-bagang ayaw magsalita
Tinikom ang bibig ayaw ibuka
Sakit ng kalooban sadyang kinimkim na
Gaano man ang bigat siya lang nakadarama.

Pinipigil umiyak ng malabong mata
Ngunit sumusungaw malalaglag na luha
Sa pisngi niyay umagos tuluyang pinalaya
Kalooban niya'y tila sumabog na.

Sa katahimikan ng kanyang  silid
Doo'y nakatulala at walang imik
Sinasarili ang kanyang paggibik
Huwag sanang dalhin hanggang panaginip.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento