Biyernes, Mayo 24, 2013

"Kung May Hangganan Man"


Di nga ba't ang lahat ay may katapusan
Tayong lahat ay iisa ang hantungan
Sa ngalan ng pag-ibig aking ilalaan
Ang buhay na sa aki'y pinahiram lang.

Di ko sasayangin ang bawat sandali
Katapatan ko'y iaalay na lagi
Sa tulad mong aking itinatangi
Hanggang sa wakas sa puso'y mananatili.

Hangga't naririto at  ako'y nabubuhay
Lahat ng lakas sa 'yo lamang iaalay
Yaman sa mundo di kayang pumantay
Pagkat pagmamahal mo aking siyang gabay.

Paglalambing mo ang tangi kong yaman
Babaunin ko doon sa magpakailanman
Ngiti mong dulot ay kagalakan
Dito sa puso ko hatid ay kapayapaan.

Kung may hangganan man ang buhay na ito
Doon sa walang hanggang paraiso,
Dadalhin ko ang masasayang alaala mo
Kahit pa magkaiba na ang ating mundo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento