Biyernes, Mayo 24, 2013

"Saan Ka Ba Patungo?"


Sa umaga paggising mo,
Kadalasan,
Lagi ka na lang nagmamadali.
Kape na nga lang halos ang agahan mo.
Sobrang busy ka na talaga.
Hindi man lang ako makaamot,
Ng kahit kaunting oras sa 'yo
Halos hindi na nga tayo nagkakausap.
Pagdating mo sa opisina,
Subsob ka agad sa trabaho.
Computer at papel agad ang hawak mo..
Alam mo bang gusto ko ng magdamdam?
...Magtampo?
Pero hindi ko kayang gawin 'yun,
Kasi mahal kita..
Pero para san ba lahat 'yan pinagkakaabalahan mo?
Saan ba kasi patungo yan mga ginagawa mo?
Dati-rati ang hiling mo lang sa 'kin,
..ay makatapos ka ng pag-aaral,
,maahon mo sa hirap ang pamilya..
Pero nakamit mo na lahat 'yun...
Nakapagtapos ka na sa pag-aaral,
May maganda nang posisyon sa trabaho,
May maginhawa ng buhay,..
Pero bakit parang may kulang pa rin?
Ganyan ba talaga kayong mga tao?
Walang satisfaction..
Alam mo...
Hindi naman ako mapaghanap eh..
Hindi ko kailangan ang titulo mo,
..ng diploma.
Kung ano ang tinapos mong kurso,
Kung master's degree holder ka,
..kung doctorate man..
Kung sikat ka o kilala sa lipunan,
Lahat 'yan hindi importante sa 'kin..
Ang mahalaga sa Akin...
ay "IKAW"....
Ang puso mo..
Ang oras mo...
Gusto kong kwentuhan mo naman Ako,
Yung bang parang kaibigan mo lang.
Pwede mo din akong iyakan..
Nami-miss na kasi kita...
Wala ka na kasing panahon sa Akin..
Puro ka na lang trabaho,
Pamilya,.
Love life,
Barkada...
Kasama ba Ako sa mga priorities mo?
Nasasaktan ako...
Pero ganun pa man,
Kahit ano pa ang mangyari sa 'yo.
Sa tagumpay man,
O kabiguan mo,
Makakaasa ka,
Na lagi pa rin akong nandito,.
Naghihintay sa 'yo..
Isang tawag mo lang,.
Hinding hindi ka mabibigo...
Pangako 'yan....
Kasama mo Ako,
Hanggang sa huling sandali,
Ng iyong paglalakbay sa mundo ito....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento