Biyernes, Mayo 24, 2013

"Kung Hindi Ako,Sino?"


                     I
"Paalam,hindi tayo para sa isa't isa"
"Sorry,pero hindi na ko masaya"
Mga salitang sa akin ay bumulaga
Mula sa iniibig kong madaling nagsawa.
                    II
Bakit tila yata sadyang kaybilis
Ni hindi ko nahinuha na ikaw ay aalis
Lahat naman ay aking tiniis
Mapagsilbihan ka lamang ng labis.
                   III
Hindi ko rin lubos na maisip
Ang ginawa mong lungkot at pasakit
Kaya pala mga yakap mo'y nanlalamig
Sa iyo pala ay may iba na akong kapalit.
                    IV
Naguguluhan at ako ay nalilito
Ang daming tanong nitong puso
Kung hindi ako,eh sino?
Ang karapat-dapat sa pag-ibig mo.
                    V
Gusto kong marinig at malaman
Ano nga ba ang kanyang pangalan
O mukha niya'y makita man lang
Kung dapat nga bang kitang ipaubaya na lang.

1

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento